"Matatandaan natin kung papaanong sa pelikulang “Sister Stella L” na idinirihe ni Mike De Leon at pinagbidahan ni Vilma Santos mababanaag ang sala-salabid na mga usaping madalas maisantabi tuwing lumulutang ang tunggalian ng mga liping “mayroon” at “wala.” Lumalabas din ang katanungan kung paanong magagawang mapagsama-sama sila sa iisang laban upang makamit ang kanilang parehong mga layunin. At sa pagsusumikap nating kilalanin ang pagbabanyuhay ng katauhan at papel ng babae sa kanyang lipunan, mapagkikita natin na ang karakter ni Sister Stella L ay maituturing na isang babaeng postkolonyal, kabahagi ng isang mamamayang postkolonyal, at nagsisikap magkaroon ng identidad sa isang postmodernong kalagayan ng lipunan..."
(Juliano, Hansley A. “Si Vilma Santos Bilang Madre, Ang Babae Bilang Lunan at Katauhan, at ang Talaban sa Pagitan ng Postmodernismo at Postkolonyalismo,” cited in http://ambulantfeather.wordpress.com/page/2/, July 8,2012)
CLICK HERE TO SEE MORE
No comments:
Post a Comment